Alam na ng lahat na halos mamatay-matay ka na sa pagpapanggap na ok ka pa pag nasa opisina ka. Stress kaliwat-kanan ang nararamdaman mo. Gusto mo ng sumuko pero masyadong madaming bayarin at mga kautangan kaya naman hala sige, kayod kabayo ka pa din (hindi ako ito! **minsan lang**) para may swellduhin ka na naman sa sweldo nyo.
Kaya nga gumawa ako ng mga simpleng tips para naman maiwasan ang stress sa buhay mo sa.
Kung gusto mong lumigaya sa pagtatrabaho, follow these simple steps:
1. Make up your mind to feel good at work…
Para ma-attain ito, pumetiks. Oo, pumetiks. Dahil wala ng sasarap pa sa buhay sa office kundi ang makipagchikahan at tumayo-tayo habang nakikita ang mga kasama mong subsob sa trabaho. Pwede ding kumain sa pantry ng mga 3 oras o kaya mag cr every 5 minutes, kunwari may LBM
2. Maintain good and friendly relationships with your boss and colleagues…
Wag tatangkain kung ang boss mo ay may galit sayo, bagkus, inisin pa sya lalo sa pamamagitan ng pag SL kada Biyernes at Lunes. At para naman sa mga kasamahan sa trabaho, kung kasundo mo, yayain pumunta sa mall, kung hindi, patirin sa elevator
3. Remember that your work provides much (if not all) of your necessities and luxuries…
kaya mag-uwi na ng mga office supplies para kina Jun-Jun, Ging-Ging, Ning-Ning at Bantay. Mag print ng kung ano-anong kalokohan sa printer pati na din resume (mga 25 copies!). Iuwi din ang mga tissues dahil mahirap ang makaramdam ng sakit ng tyan habang nasa daan at wala kang panyo.
4. Keep in mind the services you are providing people through your work…
Kung pepetiks ka, syempre wala kang magiging production. Pero oks lang yun kasi at least hindi na mahihirapan yung taga gawa nyo ng report sa pag compute kung ilan ba ang production nyo for the day. Be mindful sa trabaho ng iba! Wag maging gahaman sa production. Kailangan ang team spirit dito. Kung hindi bobonus ang isa, pucha, dapat lahat hindi bobonus. Dapat ganyan ang motto mo sa sarili mo.
5. Challenge yourself at work…
Gaano katagal ang kaya mo na chumika ng walang hingahan? Gaano kahaba ang kaya mong i-allot sa pagche-check ng facebook at kung ano-anong pm sa yahoo mo? Gaano katagal ang kaya mong i-overbreak? Challenge yourself.
6. Concentrate on the good things about your job…
..kung meron man. isipin mo ang mga walang humpay na tawanan nyong magkakaopisina sa mga jokes ng bawat-isa. Sa mga ballpen na nauwi mo at sa mga stabilo na pinipilit mong dekwatin. Isipin mo ang mga masasayang lakwatsa sa mall every 7pm kahit ang shift mo ay 3-12am.
7. Do more than you are paid to do…
Eto katarantaduhang tip to. Wag gagawin to.
8. Adopt the “this is my company” attitude…
kaya kahit anong gawin mo ay ok lang. Kahit may dress code, dedmahin. Kahit may attendance record dedmahin din. Mas masayang ma-late at mag sl. Mas masarap tumambay at magpa cute sa mga crush mo sa ibang department at mas lalong mas masaya chumika at mag table hopping. Pag may sumita, sabihin mo THIS IS MY COMPANY. Pag pinaalala sayong hindi mo to kumpanya, sabihin mo ULUL PAKYU!
9. Often, the secret to enjoying your job is not to change your job but to change your attitude. KAYA WAG MAGING WORKAHOLIC!!!!
So hala sige, petiks pa!
-
re-bloggedvia: Alen